Ang herpes ay isang karaniwang impeksyon na sanhi ng dalawang uri ng virus, herpes simplex virus type 1 (HSV-1), at herpes simplex virus type 2 (HSV-2). Ang parehong virus ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng butlig (sores) sa maselang bahagi ng katawan, sa ari, sa labi, sa loob ng bibig, at sa di kadalasan, pati sa mata. Pinaniniwalaan na dalawa sa bawat tatlong tao sa mundo ay may herpes.
Ang herpes ay isang karaniwang impeksyon na sanhi ng dalawang uri ng virus, herpes simplex virus type 1 (HSV-1), at herpes simplex virus type 2 (HSV-2). Ang parehong virus ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng butlig (sores) sa maselang bahagi ng katawan, sa ari, sa labi, sa loob ng bibig, at sa di kadalasan, pati sa mata. Pinaniniwalaan na dalawa sa bawat tatlong tao sa mundo ay may herpes.
Ang herpes ay kumakalat sa pamamagitan ng pagdampi o paghawak sa balat ng apektadong bahagi ng katawan, na kadalasan nangyayari tuwing nagtatalik o kaya ay naghahalikan. Karaniwan sa mga tao na nagkakaroon ng herpes ang di pagkakaroon ng matinding sintomas, o kung mayroon man ay napagkakamalang dulot ng ibang sakit. Dahil dito, marami ang di nakakaalam na mayroon silang ganitong uri ng sakit.
Ang herpes ay pwedeng magdulot ng pagkakaroon ng herpes outbreaks, ito ay nagsisimula bilang makati at mahahapding sores na kumpulan, na di kalaunan ay kusa rin namang nawawala. Agad na magpasuri sa doktor kapag nagkaroon ng herpes outbreak upang mabigyan ng reseta ng karampatang gamot, maiwasan ang paghawa, at para sa mabilis na paggaling. Makatutulong ang paglalagay ng zinc oxide para sa agad na pagkatuyo ng herpes outbreak.
Kaibahan ng Genital Herpes at Oral Herpes
Ang parehong virus na HSV-1 at HSV-2 ay kayang manirahan sa iba't ibang bahagi ng katawan. Dahil dito, marami ang nalilito sa katawagang genital herpes at oral herpes.
- Kapag ang virus na HSV-1 o HSV-2 ay napunta sa ari, o bahagi ng ari, sa singit, at itaas na bahagi ng hita, ito ay tinatawag na genital herpes.
- Kapag ang virus na HSV-1 o HSV-2 ay napunta sa labi, bibig, o bahagi ng bibig, ito ay tinatawag na oral herpes. Ang oral herpes ay natutukoy din bilang singaw sa bibig (cold sores)
Madalas, ang oral herpes ay sanhi ng HSV-1, at ang genital herpes ay dahil naman sa HSV-2. Subalit maari na ang parehong uri ng herpes simplex ay pagmulan ng oral at genital herpes. Halimbawa, maaaring magkaroon ng HSV-1 sa ari (genital herpes) mula sa taong may HSV-1 na nasa bibig kapag ito ay nakipag-oral sex. At maaaring magkaroon ng HSV-2 sa bibig (oral herpes) kapag nakipag-oral sex sa taong may HSV-2 sa kanyang ari.
Paraan ng Pagkalat ng Herpes
Ang herpes ay madaling kumalat sa pamamagitan ng paghawak o pagdampi sa balat ng apektadong bahagi ng katawan ng taong may ganitong virus. Maaari ring makuha ang ganitong virus sa pamamagitan ng pakikipaghalikan sa labi sa taong may oral herpes.
Ang mga balat sa ari, bibig, at mata ay madaling pasukan ng ganitong virus. Ang ibang bahagi ng balat ay maaari lamang mapasukan ng herpes virus kapag nagkaroon ng sugat, pangangati, at iba pang butlig (sores). Hindi kailangan ng pagtatalik para magkaroon ng herpes. Kung minsan ang herpes ay maaaring maipasa sa di sekswal na paraan. Halimbawa ay kapag dinampian ng halik ng isang magulang ang kanyang anak. Karamihan sa mga tao ay nagkaroon ng oral herpes nung sila ay bata. Ang isang ina, subali't bihira, ay pwedeng maipasa ang herpes sa kanyang sanggol sa panahon ng panganganak.
Maaaring kumalat ang herpes sa iyong katawan kapag ikaw ay humawak sa herpes sore at saka ay iyong hinawakan ang iyong bibig, ari, o mata nang hindi naghuhugas ng kamay. Pwede mo ring maipasa ang herpes sa ibang tao sa ganitong paraan. Kaya mainam na ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay.
Ang herpes ay higit na nakakahawa kapag ang mga sores ay namumutok at namamasa, sapagkat ang likido mula sa herpes blisters ay madaling magpakalat ng virus. Subalit pwede ring mapunta ang virus sa iba sa pamamagitan ng shedding na kahit walang sores, at ang balat ay mukhang normal.
Dahil ang virus na ito ay agad na namamatay kapag nasa labas ng katawan, ito ay di nakukuha sa pamamagitan ng pagyakap, pagubo, pagbahing, pakikipag hawak kamay, o di kaya ay pagupo sa banyo.
Ang Herpes ay Pwedeng Walang Sintomas
Posible na ikaw o ang iyong kapareha ay walang anumang magiging sintomas na makikita o maramdaman, o kung may sintomas ay di malala na di na mapapansin. Minsan, napagkakamalan ang mga sintomas bilang ibang bagay, katulad ng tigyawat, ingrown hair, at trangkaso.
Ang mga sintomas ng herpes ay kusang nawawala, subalit di nangangahulugan na wala na ang herpes sa katawan. Kapag nagkaroon na ng herpes, ito ay mananatili na sa katawan habangbuhay.
Mga Sintomas ng Genital Herpes
Genital Herpes
Ang pinakakaraniwang sintomas ng genital herpes ay ang pagkakaroon ng makakati at mahahapding butlig sa ari ng pareho sa babae, at sa lalake. Kasama rin pati sa puwitan at itaas na hita. Maaari ring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:
- masakit at hirap sa pagihi
- pangangati
- pananakit ng ari
- pamamaga ng kulani sa bahagi ng balakang, lalamunan, at kili-kili
- pagkakaroon ng lagnat
- panlalamig
- pananakit ng ulo
- pananakit ng katawan at pagkahap
Ang pagkakaroon ng mga butlig at iba pang sintomas ng herpes ay tinatawag na outbreak. Ang unang outbreak ay madalas na nangyayari mula dalawa (2) hanggang dalawampung (20) araw pagkalipas ng impeksyon. Subalit minsan inaabot ng mga taon bago magkaroon ng unang outbreak.
Ang unang herpes outbreak ay tumatagal ng dalawa (2) hanggang apat (4) na linggo. Kahit na ang mga butlig ay nawala na, ang herpes virus ay mananatili sa katawan at pwedeng magdulot muli ng sores. Karaniwan ang pabalik balik ng outbreak lalo sa unang taon na may herpes. Maaaring makaramdam ng pangangati at panghahapdi sa ari bilang palatandaan ng papalapit na outbreak.
Ang unang outbreak ang kadalasan na pinakamalala. Ang mga sumusunod na outbreak ay hindi na kasing-tagal at kasing-hapdi ng una. Karaniwan sa mga tao ang pagdalang ng herpes outbreak sa pagdaan ng panahon.
Mga Sintomas ng Oral Herpes
Ang oral herpes ay kadalasang di kasing sakit ng genital herpes. Ang oral herpes ay nagdudulot ng sores sa labi, o sa bibig na tinatawag na cold sores o fever blisters.
Ang cold sores ay tumatagal ng ilang linggo na kalaunan ay kusang nawawala. Ang cold sores ay nakakairita na kadalasan ay di delikado, ngunit delikado para sa mga bagong silang na sanggol.
Pagpapasuri ng Herpes
Kung ikaw ay may mga sintomas na sores, agad na magpakonsulta, ang iyong nurse o doktor ay kukuha ng sample ng likido mula sa sore sa pamamagitan ng swab at ito ay susuriin, upang alamin kung ito nga ay herpes.
Ang pagpapasuri ng herpes ay tila nakakabahala, ngunit dapat maging mahinahon. Ang regular na STD testing ay bahagi ng responsibilidad ng isang taong may gulang na, at kasama sa pangangalaga ng kalusugan.
Pagagamot sa Herpes
Sa kasalukuyan, ang herpes ay wala pang pangtapos na lunas. Ngunit may mga medisina para mapaikili at hindi maging malubha, at pumipigil ng panunumbalik ng herpes outbreak. Isa rito ang gamot na Acyclovir. Kapag mayroong sintomas, agad na magpasuri sa doktor upang matiyak kung ang sakit ay herpes. Dahil may mga sakit na katulad ng syphilis na katulad ng sintomas sa herpes.
Ang herpes ay di nakakamatay, at hindi delikado. Ito ay nakakairita pero hindi ito nagiging malala sa pagdaan ng panahon di tulad ng ibang STD.
Tags: herpes, herpes symptoms, herpes treatment, herpes cure, std, sti, gamot sa herpes